Cavite itinanghal na Pangatlong Pinakamalaking Prodyuser ng Kape sa Pilipinas para Taong 2023
Kinikilala ang Cavite bilang isa sa pinakamalaking prodyuser ng kape sa Pilipinas para sa taong 2023. Ayon sa mga ulat mula sa Go Cavite noong ika-17 ng miyerkules , Nasa ikatlong pwesto ang lalawigan ng produksyon ng kape, na nag-produce ng 8,190 metric tons ng kape noong nakaraang taon. nanguna naman ang sultan kudarat na may kabuuang produksyon na 21,442 metric tons, sinundan ng bukidnon na may 9,0442 metric tons ng kape.
Ang pagkilala ay nagpapakita ng mahalagang kontribusyon ng Cavite sa industriya ng kape sa bansa, na nananatiling isang mahalagang sektor sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang pagiging pangatlo ng lalawigan ay patunay sa sipag at dedikasyon ng magsasaka ng kape at sa mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan na suportahan ang paglago ng industriya.
Ang produksyon ng kape ay isang malaking kontributor a ekonomiya ng Cavite, an nagbibigyan ng pagkakataon sa kabuhayan para sa maraming residente nito.
Ang Philippine Coffee Board ay nagpahayag ng suporta sa industriya ng kape sa Cavite, na kinikilala ang potensyal nito na mas lalo pang luamago at mag-ambag sa produksyon ng kape sa bansa. Hinihikayat din ng board ang iba pang lalawigan na mag-invest sa industriya ng kape, na binibigyang-diin ang potensyal nito na magpalakas sa ekonomikong pag-unlad ng bansa.
留言