14 LGU ng Cavite pinuri sa Pag-aalaga sa Kabataan, Carmona nasungkit 100%.
Nakatanggap ng pampublikong parangal ang 14 na lokal na pamahalaang kawani(LGUs) sa cavite sa Regional Awarding Ceremony of the 2022 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCLFG) na ginanap sa Carmona noong Huwebes, abril 14.
Sa pangunguna ni Council for the Welfare of Children(CWC) Undersecretary Angelo M. Tapeles, kasama sina Department of Interior and Local Government 4A Regional Director Ariel O. Iglesia, Open Heart Foundation Worldwide Inc, Executive Director Rosalinda Perez, SOS Children’s Village Director Johnald Lasin, Cavite 5th District Rep. Roy M. Loyola, regional at provincial officials, at ang mga representatives ng bawat awarded cities at municipalities.
Nakipagtagisan sa pagtanggap ng parangal ang mga lungsod at bayan ng Cavite. Kinikilala ang mga lungsod ng Bacoor, Carmona, Dasmarinas, General Trias, Imus, at Tagaytay. Samantalang ang mga bayan naman ng tumanggap ng parangaral ay ang Alfonso, General Mariano Alvarez, Magallanes, Maragondon, Mendez Nunez, Naic, Noveleta, at Silang.
Ayon kay Undersecretary Tapeles, mula sa 142 munisipalidad na sinuri sa Calabarzon noong 2002. 63 LGUs ang pumasa sa pagsusuri. “yan po ay mataas po kasi hindi po lahat ay naco-conferan ng SCLFG” ani pa niya. Isa sa mga LGUs na ito ang kumakatawan sa kahusayan ay ang Carmona City, na nakakuha ng perpektong 100%.
Para makapasa sa audit ang LGUs, kinakailangang masungkit ang 80% para sa limang kategorya: survival, development, protection, participation, at governance.
Bukod dito, nagbigay-pugay din ang seremonya ng mga LGU awardees sa Batangas, Laguna, Quezon and Rizal.
Sa kabuuan, ang naturang pagkilala ay nagpakita ng patuloy na pagpapahalaga at pagpapalakas ng mga pamahalaang lokal sa kanilang pangako na itaguyod ang kapakanan ng mga kabataan.
Comments