top of page
Marian Vidal

Magallanes, Cavite, Nagdiwang ng Ika-108 na Anibersaryo Kasabay ng Medical Mission


Nitong araw ng Biyernes, ikalabing lima ng marso, taong kasalukuyan, nagdiwang ang komunidad ng Magallanes sa kanilang ika-108 na anibersaryo kasabay ng pagsasagawa ng medical mission na naglalayong magpromote ng kalusugan at kagalingan ng mga residente na may temang “Nagkakaisang Magalleno, Tulong-Tulong Para Sa Lalong Pag-asenso Ng Agri-Eko Turismo. 

 

Sa pagdiriwang ng ika-108 na anibersaryo, nagkaloob ang Bayan ng Magallanes, Cavite ng mga serbisyong pangkalusugan tulad ng breast examination, chest x-ray, bloodletting, at HPV vaccination. 

 

Ito ay isang patunay ng dedikasyon ng bayan sa kalusugan at kabutihan ng kanilang mga mamamayan. Sa tulong ng mga propesyonal sa kalusugan at mga boluntaryo, layunin ng Magallanes na siguruhing ang bawat residente ay may access sa mahahalagang serbisyo sa kalusugan 

 


Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan tulad ng medical mission, ipinakita ng Magallanes ang kanilang determinasyon na itaguyod ang kalusugan at kagalingan ng kanilang mga mamamayan. 

 

Mahigit-kimulang isang daan ng Magalleno ang nabigyan ng serbisyo at natulungang alamin at gamutin ang kanilang karamdaman sa pangangatawan.  

 

Ang pagdiriwang din na ito ay muling nagpamalas ang Magallanes ng kanilang pagtutok sa pagpapalakas ng kalusugan at kagalingan ng kanilang komunidad.  


Comments


Top Stories

bottom of page