Piyesta ng Muscovado, Idiniwang: Unang Bahagi
Binigyang-buhay ng mga Magalleños ang pista ng Muscovado sa kanilang 108 na anibersaryo na may temang, “Nagkakaisang Magalleño, Tulung-tulong para sa lalong Pag-asenso ng Agri-Eko Turismo” ngayong ika-15 ng Marso 2024.
Bilang bahagi sa dalawang araw ng pagdiriwang ng Magallanes Day, nagsimula ang programa ng 5:30 ng umaga sa pagparada ng mga ahnesiyang PNP, BFP, LDRRM, at MOE.
Sumunod ang Baranggay Zumba Dance Exhibition kung saan 11 ang mga grupong nakilahok, mapabata man o matatanda. Ilan sa mga grupong ito ay galing sa Poblacion 1 at Poblacion 4.
Natapos ang programa sa pagpaparangal ng mga nanalong grupo at sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng programa.
Para sa susunod na balita ukol sa piyesta, abangan sa Facebook page ng CaviteKnows.
Comments