Provincial Environment and Natural Resources ng Cavite, nagdaos ng Orientation at Drill sa Paghahanda sa Lindol
PENRO cavite, sumunod sa batas na Republic Act 11058 o ang batas na nagpapalakas sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho, nagconduct ng malawakang orientation at drill tungkol sa paghahanda sa lindol para sa kanilang mga tauhan, kasama ang Cavite Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang nasabing aktibidad ay layuning bigyan ng kalahok ng mahalagang kaalaman sa mga protocol ng paghahanda sa sakuna. Tinampok nito ang Disaster Risk Reduction and Management, nakapokus sa pag-iwas, paghanda, at pagtugon.
Sa pangunguna ni G. Marlon M. Mercado ng PDRRMO sa isang deskusyon, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng proactive measures sa paghahanda sa lindol. Tinampok din niya ang kahalagahan ng mga regular na drills at simulations para maging handa ang populasyon, lalo na sa “big one”
Sa gabay ni G. Mercado, nangyari ang isang drill na sumaklaw sa alarm, pagtugon, paglikas, headcount, at pagsusuri. Ang feedback mula sa PDRRMO ay nagpokus sa pangangailangan ng pagpapabuti sa paglikas, partikular sa paggamit ng protective headgear.
コメント