top of page
Marian Vidal

State of calamity, Idineklara sa buong lalawigan ng Cavite dahil sa Outbreak ng Pertussis.

Inanunsyo ng mga opisyal na pampublikong kalusugan ng Cavite na idineklara nila ang isang “state of calamity” sa buong lalawigan dahil sa paglaganap ng pertussis o whooping cough.


Batay sa huling ulat mula sa Cavite Provincial Health Office, nitong Lunes, Marso 25, umabot na sa 36 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa lalawigan, kung saan 6 na katao ang pumanaw dahil dito.


Upang makatulong sa agarang pagtugon sa outbreak, pinapayagan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang paggamit ng P40 milyong Quick Response Fund. 


Ayon sa Department of Health (DOH) nakakahawa ang pertussis at maaaring maipasa ito sa pamamagitan ng droplets ng pag-ubo o pagbahing ng may sakit. Karaniwang tinatamaan nito ay ang mga sanggol, dahilan ng dobleng pagpapaalala ng DOH na pabakunahan ang mga bata.



Comments


Top Stories

bottom of page